Saturday, November 15, 2008

COOkBOOk

"Sana ang buhay ay parang COOkBOOk."

Bakit nga ba COOkBOOk? Hindi ba kayo natatakam sa mga larawang nasa COOkBOOk, hindi niyo ba sinubukan na sundan ang mga steps na nasa COOkBOOk para makagawa ng isang masarap na pagkain? Minsan naisip ko na kung ganito lang ang buhay, hindi ba mas magiging masaya? Sundan mo lang ang mga steps sa isang COOkBOOk eh magkakaroon ka na ng masarap na pagkain, sana ganito lang kadali para makagawa ng masasayang experience. Yung tipong pipili ka na lang ng gusto mong mangyari sa buhay mo tapos sundan mo lang ang mga steps eh tyak na magiging masaya ka.

Ang dali ng buhay noh pag ganito ang nangyari ngunit napagtanto ko rin na hindi rin pala ganung kasaya pag yung tipong may gusto kang gawin eh hindi pwede kasi ala un sa mga steps. Hindi pwede kasi baka masira ang lasa o di kaya ay mali ang kalabasan ng napili mong lutuin. Ngayon naisip ko na hindi rin ganung kaganda kung ibabase mo lang ang buhay mo sa isang COOkBOOk. Naisip ko na mas masaya pala ang isang pagkain na ung tipong matatawag mong recipe mo.

Ganyan ang buhay, mas masaya kung ikaw ang nagdidikta. Masaya kung ikaw ang nagsasabi kung anu mga dapat mong gawin. Hindi mo man makuha ung gusto mo sa huli, hindi ba ang mas mahalaga eh ung experience na naranasan mo.
Hindi ung result ang pinakamatimbang kundi ung process dahil sa result dalawa ang pwedeng mangyari either maging masaya ka o bumagsak ka pero ung process for sure nag-enjoy ka.

So mga kapatid, sana natuto kayo sa munti kong pangaral. Sa susunod ulet na coffee break, magkape ulet tayo...hehe